Ginawang deputado ng Office of the Solicitor-General ang limang abugado ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) sa pa ngunguna ni Director for Operations and NBI deputy director Edmund Arugay upang maging matagumpay ang mga kaso laban sa mga hinihinalang smugglers.
Kasama ni Atty. Arugay sina PASG chief legal officers Virgilio Bruno, Luciano Milan, Ruben Zacarias, Michael Victor Tezon, Frank Martin at NBI detailed lawyers na sina Orlando Navallo at Cezar Bacani na binigyan ng awtoridad ni Solicitor-General Agnes Devanadera upang maging counsels ng PASG sa lahat ng civil cases sa lower courts na sangkot ang PASG officials o empleyado.
Sa ilalim ng terms of deputation, isusumite nina Arugay sa Sol-Gen para sa rebyu, approval at pag lagda ang lahat ng importaneng pleadings at motion kaugnay sa mga kaso kabilang ang mga motion to withdraw gayundin ang compromise agreement.
Kailangan nilang konsultahin ang Sol-Gen sa lahat ng legal at factural questions bago gumawa ng hakbang ang PASG legal team at obligado din silang magsumite ng semi-annual report sa OSG kabilang ang mga progress report ng mga kasong hinahawakan ng mga ito. (Rudy Andal)