^

Bansa

5 PASG lawyers ginawang deputado ng Solgen

-

Ginawang deputado ng Office of the Solicitor-General ang limang abugado ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) sa pa­ ngunguna ni Director for Ope­rations and NBI deputy director Edmund Arugay upang maging matagum­pay ang mga kaso laban sa mga hinihinalang smugglers.

Kasama ni Atty. Arugay sina PASG chief legal officers Virgilio Bruno, Luciano Milan, Ruben Zacarias, Michael Victor Tezon, Frank Martin at NBI detailed lawyers na sina Orlando Navallo at Cezar Bacani na binigyan ng awtoridad ni Solicitor-General Agnes Devanadera upang maging counsels ng PASG sa lahat ng civil cases sa lower courts na sangkot ang PASG officials o emple­yado.

Sa ilalim ng terms of deputation, isusumite nina Arugay sa Sol-Gen para sa rebyu, approval at pag­ lagda ang lahat ng impor­taneng pleadings at motion kaugnay sa mga kaso kabilang ang mga motion to withdraw gayundin ang compromise agreement.

Kailangan nilang kon­sultahin ang Sol-Gen sa lahat ng legal at factural questions bago gumawa ng hakbang ang PASG legal team at obligado din silang magsumite ng semi-annual report sa OSG kabilang ang mga progress report ng mga kasong hinaha­wakan ng mga ito. (Rudy Andal)

ARUGAY

CEZAR BACANI

EDMUND ARUGAY

FRANK MARTIN

LUCIANO MILAN

MICHAEL VICTOR TEZON

ORLANDO NAVALLO

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with