Makikipagpulong ngayon si Thai Prime Minister Somchai Wongsawat kay Pangulong Arroyo sa Mala cañang. Dumating si Somchai kahapon at nakatakdang umalis din ngayong gabi.
Kabilang sa mga isyung tatalakayin ng dalawang lider ay may kaugnay sa magiging epekto ng global financial crisis sa Asia pacific region.
Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita, layunin ng Thai leader na ipakilala nito ang kanyang sarili kay Mrs. Arroyo. Tatagal lamang ng 7 oras ang Thai lider sa bansa.
Si Somchai ay bayaw ng napatalsik na dating Thai Premier Thanksin Shinawatra at naging prime minister ng Thailand matapos magdesisyon ang Korte na sapilitang pababain sa puwesto ang kanyang sinundan na si Samak Sandaravej. (Rudy Andal)