^

Bansa

120,000 mawawalan ng trabaho

- Doris Franche-Borja -

Pinangangambahan na mawalan ng trabaho ang may 120,000 mangga­gawa sa industriya ng se­mento sa sandaling ma­ging opisyal ang pagpapa­labas ng Executive Order ni Pangulong Arroyo na nagbabalak na kumontrol sa industriya ng semento.

Sa ginanap na pulong balitaan sa Tinapayan, si­nabi ni dating Trade and Industry Secretary at nga­yon ay presidente ng Cement Manufacture Association of the Philippines Ernesto Ordonez na sa naturang EO ni Pangulong Arroyo, aalisin ang 5% taripa na ipinapataw sa mga ini-export na semento sa bansa at papayagan nang makapasok ng wa­lang ipinapataw na taripa ang mga imported na semento.

Ayon kay Ordonez, ma­giging”dumping ground” ng mga imported na semento ang Pilipinas at malaki ang magiging epekto nito sa kompetisyon ng mga lokal na semento na ibinebenta sa bansa ng mga kom­ panya tulad ng Cemex, Holcim, Republic Cement, Northern at Pacific na pawang cement company na gumagawa ng lokal na semento sa bansa.

Umapila si Ordonez kay Pangulong Arroyo na ikonsidera ang kanilang panawagan na huwag alisin ang 5% taripa na ipinapataw sa mga imported na semento. Aniya, dapat bigyan ng protek­siyon ng gobyerno ang lokal na industriya ng se­mento sa bansa.

Sinabi ni Ordonez na kapag inalis ang taripa sa semento, tiyak na mara­ming bansa ang mag-iex­port ng kanilang produk­tong semento sa Pilipinas at tiyak umanong tata­maan ang lokal na indus­triya ng semento pagpasok ng mga imported na se­mento.

Posible umanong “misguided” ang Pangulo dahil kulang sa komunikasyon sa gobyermo ang mga nasa likod ng industriya ng semento.

Sinalungat naman ni LTO Secretary Alberto Suansing ang pahayag ni Ordonez at sinabi nito na maaring binabalanse la­mang gobyerno ang sit­wasyon sa industriya ng semento kaya inihayag ang pagpapalabas ng nabanggit na EO ni Pa­ngulong Arroyo.

Sa kabila nito, sinabi ni Suansing na kapag nag­mura ang semento, ma­rami ang makakapagpa­gawa ng gusali, impras­truktura at mga bahay. 

Nakatakda namang harangin ngayong araw ng mga cement manufacturer sa Kongreso ang panuka­lang pagtatanggal ng tari­pa sa mga inaangkat na semento. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

CEMENT MANUFACTURE ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES ERNESTO ORDONEZ

EXECUTIVE ORDER

ORDONEZ

PANGULONG ARROYO

PILIPINAS

REPUBLIC CEMENT

ROSE TAMAYO-TESORO

SEMENTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with