^

Bansa

Crime rate tataas

-

Nagbabala ang Natio­nal Capital Region Police Office (NCRPO) sa publiko hinggil sa nakakaalarmang pagtaas ng crime rate ngayong Nobyembre na inaasahang tataas pa habang papalapit ang Pasko.

Base sa rekord, sinabi ni NCRPO Chief Director Jefferson Soriano na du­ma­rami ang mga holdaper sa mga pampasaherong sasakyan gaya ng mga FX, jeepney at mga bus na bumibiyahe sa Metro Manila.

“Sa ating mga kaba­bayan, mag-ingat po tayo, dumarami ang mga holda­per at iba pang masasa­mang elemento ngayon Nobyembre na kasi,“ ani Soriano.

Samantalang nagsasa­mantala naman ang mga man­durukot, bag slasher sa kumpulan ng mga tao sa mga shopping malls at mga tiyange na dinaragsa na ng mga mamimili.

Pinuna rin ni Soriano ang modus operandi ng mga snatcher at maging ng mga holdaper na buong bag na ng kanilang mga biktima ang tinatangay.

Ayon kay Soriano ba­ga­man bumaba ang crime rate sa Metro Manila nitong nakalipas na Oktubre ay kapansin-pansin ang muli nitong pagtaas pagpasok naman ng Nobyembre at posibleng mas mataas pa ito sa Disyembre base na rin sa pagtataya ng mga awtoridad.

Dahil dito, sinabi ng opisyal na palalakasin pa ng NCRPO ang ‘police visibility‘ ngayong Kapasku­han upang mabawasan kundi man tuluyang masu­pil ang pagtaas ng krimi­nalidad sa pamamagitan ng pagdedeploy ng karag­dagang 1,000 pang pulis sa mga shopping malls, tiangge, bus terminals atbp.

Idinagdag pa ng opis­yal na kapag maraming nakadeploy na mga pulis ay nawawalan ng tsansa ang mga kriminal na maka­pambiktima ng mamama­yan. (Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

CAPITAL REGION POLICE OFFICE

CHIEF DIRECTOR JEFFERSON SORIANO

DAHIL

JOY CANTOS

METRO MANILA

NOBYEMBRE

SHY

SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with