BI napigil ang tangkang human trafficking sa Clark
Napigil ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa Diosdado Ma capagal International Airport ang pag-alis ng bansa ng 20 undocumented overseas Filipino workers at kanilang recruiter patungong Malaysia.
Ipinabatid ni Immigration Commissioner Marcelino Libanan na naharang ng BI ang umano’y recruiter na si Lito Carandang at kanyang mga kasama bago sila maka sakay sa kanilang flight patungong Kuala Lumpur noong Nov. 2.
Ayon kay Libanan, sinabi ng mga undocumented OFW na sila’y tutungo sa Malaysia para sa isang seminar na inilatag ng isang kompanya na balak kumuha sa kanila sa Saudi Arabia.
Ngunit wala silang maipakitang employment permit mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), kaya pinigil ng BI ang kanilang pag-alis.
“This was another futile attempt by a human trafficking syndicate to facilitate the departure of undocumented workers. Thanks to the vigilance of our immigration officers in Clark, the syndicate’s ploy did not work,” wika ni Libanan. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending