^

Bansa

P8 pasahe sa jeep simula na ngayon

-

Bunsod ng pagkaka­gulo sa pagbibigay ng bawas pasahe sa mga pampasaherong sasak­ yan, nilinaw ni Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTF­RB) na ngayong Biyernes ay dapat na magbigay na ng 50 sentimos rollback ang mga pampasaherong jeep.

Noong Miyerkoles, epek­tibo na ang naturang fare rollback matapos iutos ni LTFRB Chairman Thomp­­son Lantion, pero tanging ang jeepney group lamang na Pasang Masda ang agad sumu­nod ha­bang nakiusap naman ang iba na nga­yong Biyernes na lamang ipatutupad tulad ng Piston, Fejodap, Alto­dap at Mjoda.

Sa mga pampasa­he­rong bus, epektibo sa Lunes Nob. 10 ang fare rollback. Sa ordinary bus sa Metro Manila at mga lala­wigan ay P9.50 mula sa dating P10 minimum fare.

Sa aircon bus sa MM at mga lalawigan ay P11 sa unang 4 na kilometro mula sa dating P12.

Nilinaw naman ni Lan­tion na hindi pa maaalis ang P10 add on sa taxi dahil wala pang nagpepe­tisyon para maibaba ito.

Nananatili namang P2.00 per kilometer ang bayad sa AUVs tulad ng GT Express, FX taxi, vehicle for hire at kahalintulad na sa­sakyan. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BIYERNES

BUNSOD

CHAIRMAN THOMP

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

LUNES NOB

METRO MANILA

NOONG MIYERKOLES

PASANG MASDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with