Sinabi kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na dapat managot sa batas ang mga dating kongresista noong 13th Congress katulad ni Senador Juan Miguel Zubiri na tumanggap ng pondo mula sa P728 milyon fertilizer fund pero ginamit sa ibang paraan at hindi sa pagbili ng abono.
Ayon kay Pimentel, maituturing na misuse or malversation of public funds ang ginawa ni Zubiri na tumanggap ng P5 milyon mula sa pondo ng fertilizer pero ginamit sa pagpapagawa ng tulay.
Sinabi ni Pimentel na maliwanag naman na ang pera ng Fertlizer ay para pataba ng mga pananim at hindi pampagawa ng tulay o maaring gamitin saan mang bagay.
Hinamon ni Pimentel si Zubiri na ipaliwanag kung paano niya natanggap ang naturang halaga. (Malou Escudero)