Dela Paz mananagot 'pag di naibalik ng Russia ang P6.9M

Papanagutin ng Philippine National Police (PNP) si dating PNP Comptrollership Chief ret. Director Eliseo de la Paz sa sandaling mabigo ang pamahalaan ng Russia na maibalik sa bansa ang 105,000 Euros na nasamsam sa opisyal sa Moscow airport noong Oktubre 11.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Nicanor Bartolome, bagaman sinasabing isang ‘honest mistake ‘ ang kabiguan ni dela Paz na ideklara ang 105,000 Euros o katumbas na P6.93M ay may pananagutan ito dahilan nasa pag-iingat niya ang nasabing pera.

Naiinip na ang liderato ng PNP dahil sa sobrang tagal ng proseso para maibalik ang nasabing pondo mula sa PNP Intelligence Group.

Sa pinakahuling pakikipag-komunikasyon ng PNP sa Russia ay nangako ang mga awtoridad doon na ibabalik sa account ng PNP ang perang nakumpiska kay de la Paz.(Joy Cantos)

Show comments