Minaliit ng Palasyo ang ginawang pag-eendorso ni dating House Speaker Jose de Venecia sa impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo.
Sinabi ni Press Secretary Jesus Dureza, ang kahihinatnan ng panibagong impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo ay ipinauubaya na ng Palasyo sa mga kongresista.
“The impeachment complaint is now in the House of Representatives. Let it be acted upon and resolved in accordance with the rules and processes provided for,” wika pa ni Sec. Dureza.
Ayon pa kay Dureza, hindi nababahala ang Malacanang sa panibagong impeachment complaint laban kay Mrs. Arroyo dahil na rin sa mayorya ng mga kongresista ay kaalyado ng administrasyon.
Kinumpirma ng Philippine Consulate sa San Franciso na lumagda si de Venecia sa impeachment complaint sa pamamagitan ni Vice-Consul Leah Rodriguez.
Ang panibagong impeachment complaint laban kay PGMA ay inihain nina businessman Jose “Joey” de Venecia Jr., Atty. Harry Roque at Iloilo Vice-Gov. Rolex Suplico. (Rudy Andal)