Pamilya ni Bolante nagpetisyon sa CA

Pormal na hiniling kahapon sa Court of Appeals ng anak ni dating Agriculture Undersecre­tary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante na si Owen na palayain mula sa kus­todya ng Senado ang kanyang ama.

Sa 15 pahinang petition for writ of habeas corpus, sinabi ng ba­tang Bolante na hindi maaring ipatupad ang arrest order na ipina­labas ng Senado nong 13th Congress dahil hindi na umiiral sa nga­yong ang nasabing kon­greso.

Hiniling din ni Owen na magpalabas ang CA ng writ of habeas corpus na mag-uutos sa Senate Sergeant of arms na iharap sa korte si Bo­lante.

Ipinahiwatig ng abo­gado ni Bolante na si Malber Yao Ong na iligal ang pagkulong kay Bo­lante.

Si Bolante na uma­no’y arkitekto ng P728 million fertillizer fund scam ay kasalukuyang nakaratay sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City matapos itong dumating sa ban­sa mula sa dalawang taong pagkakakulong sa Amerika.

Samantala, tiniyak kahapon ni Sen. Alan Peter Cayetano na si­simulan na ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon ka­ugnay sa P728 milyon fertilizer fund scam na tinanggihang imbestiga­han ng komite ni Sen. Edgardo Angara.

Ayon kay Cayetano, wala siyang nakikitang magiging hadlang sa imbestigasyon ng blue ribbon committee lalo pa’t nasa bansa na si Bolante.

Nakatakdang mag­ba­lik ang sesyon ng Senado sa susunod na Lunes (Nobyembre 10) kung saan ina­ asahang magpapa­tuloy ang tra­baho ng mga senador.

Iginiit din ni Sena­ dor Aquilino Pimentel na maaaring ipatawag ng Senado ang attending physician ni Bo­lante sa St. Luke’s Medical Center upang malinawan kung ano talaga ang kondisyon nito.

 Kung hindi aniya talaga makakadalo si Bolante sa imbestigas­yon dahil sa kanyang kalusugan, dapat hu­ma­rap sa komite si Dr. Romeo Saavedra ng SLMC.

Show comments