Infra funds sa Mindanao gamitin sa tama - GMA
Inatasan ni Pangulong Arroyo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na siguruhin na ang pondo para sa infrastructure sa Mindanao ay nagaganap ng maayos para sa kapakinabangan ng taga-Mindanao.
“These funds are intended for the overall growth of the regions there andnot for so-called “pet projects” of some politicians,” sabi ng Pangulo. “I want DPWH to look closely into this.”
Iginiit naman ng DPWH na hindi inilagay sa ibang proyekto sa Visayas at Luzon ang pondo na para sa Mindanao gaya ng lumabas sa mga balita.
Sa ginanap na 11th Mindanao Super Region Inter-Agency meeting na pinangasiwaan ng Mindanao Economic Development Council sa Tandag, Surgiao del Sur, sinabi ni DPWH Undersecretary Romeo Momo na walang katotohanan na ginamit ang pondo para sa “peace roads” sa Mindanao sa mga proyekto sa Luzon at Visayas.
Sa kabila ng kaguluhan sa ilang lugar sa Mindanao, siniguro ng DPWH na ang mga pondong nakalaan sa Mindanao ay gagamitin sa mga proyektong tinukoy na prayoridad ni Pangulong Arroyo, wika pa ni Momo. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending