119 bangkay nakuha sa 'Princess'

Umaabot na sa may 119 bangkay ang naila­bas ng mga diver sa isi­nagawang retrieval operation sa lumubog na M/V Princess of the Star ng Sulpicio Lines sa kara­gatan ng Romblon.

Sinabi ni Lt.Senior Grade Armand Balilo, base sa pinakahuling talaan na ipinalabas ng mga divers, dakong alas-3 ng hapon nang makuha ang mga bangkay sa deck B ng barko.

Agad na isinakay ang mga nailabas na bangkay sa M/V Tacloban Prin­cess, para dalhin sa Cebu at para kilalanin ng mga eksperto ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Balilo, hini­hintay pa nila ang reko­mendasyon na mangga­galing sa Salvor Titan at Harbor Star na nagsimula ng kanilang retrieval operation noong Oktubre 26, para alamin kung kelan maaring tapusin ang operasyon.

Gayunman, sinabi ni Balilo na hindi sila nag­takda ng panahon para tapusin ang operasyon dahil pipilitin nilang ma­galugad ang loob ng buong barko para mala­man kung ilan pa ang nawawalang bangkay.

Nauna dito, nabatid na may 500 pang pasa­hero ng lumubog na bar­ko ang pinaniniwalaang na-trap sa loob na siyang target makuha ng isina­saga­ wang retrieval operation. (Doris Franche/Ludy Bermudo)

Show comments