Probe sa sunog sa armory tinaningan
Binigyan ng palugit na 48 oras o dalawang araw ng liderato ng Armed Forces of the Philippines ang mga opisyal ng Army Support Command upang tapusin ang imbestigasyon sa nasunog na armory ng militar nitong Biyernes sa loob ng Camp Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Shariff Kabunsuan.
Ayon kay Army’s 6th ID Spokesman Col. Julieto Anto, si Major Gen. Johnny Corcha, Chief ng Army Support Command, ang magsusuperbisa sa nasabing imbestigasyon.
Inihayag naman ng opisyal na hindi apektado ang kanilang opensiba laban sa grupo ni Moro Islamic Liberation Front 105th Base Command Commander Ameril Umbra Kato.
Pinawi rin ng mga opisyal ang teorya ng sabotahe sa pagkasunog ng ammunitions dump ang dahilan. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending