Umpisa sa Disyembre, limitado na lamang ang pagbebenta ng abot kayang bigas ng National Food Authority para sa mga naisyuhan ng Family Access Card holders sa Metro Manila at sa mga Rice Allocation Ledger naman para sa mga probinsya.
Ito ang inianunsyo kahapon ni NFA Administrator Jessup Navarro kung saan ang FACs at RALs ay kailangang pagtibayin muna ng Department of Social Welfare and Development para tiyakin na ang abot kayang bigas na subsidy ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay makakarating sa hapag kainan ng masang Pilipino.
Ang NFA rice ayon kay Navarro ay mabibili sa halagang P18.25 ba wat kilo sa Tindahan Natin rice outlets sa buong bansa. (Joy Cantos)