^

Bansa

Masayang disenyo ng kabaong pampagaan sa pagdadalamhati

- Perseus Echeminada -

Para kay Mary Ann Andes, 20 anyos, da­pat magkaroon ng ma­sayang kaayusan ang isang kabaong para gumaan kahit paano ang naglu­luk­sang damdamin ng mga taong namata­yan ng kanilang mahal sa buhay.

Mas mainam din anya ito sa mahihirap na mamamayan na namatayan para ma­ib­san ang kanilang kalungkutan. 

Isang tagadisenyo ng kabaong si Andes na ang pamilya ay namamalakad ng rent-a-coffin business sa Taguig, Metro Manila.

Ang ipinapaarkila nilang kabaong ay bi­nubuo ng inside at outside coffin (panloob at panlabas na ka­baong. Makikita sa outside coffin na pinapaarkila ang masayang disen­yo habang ang inside coffin ay gawa sa ka­hoy at siyang kasama ng bangkay na mali­libing.

“Tinatrabaho kong isama sa aking mga disenyo ang mga ulap na karaniwang ikina­kambal sa langit,” sabi ni Andes sa isang pa­nayam sa telepono.

Isa ring computer design student sa Asia Pacific University sa Makati City si Andes. Tinutulungan niya ang ama niyang si Antonio Andes Sr. sa kanilang negosyong paarkila­han ng kabaong na tinatangkilik ng mahi­hirap na mamamayan.

Nabatid na ang ma­tandang Andes ay na­kipagkasundo kina Trece Martirez City Mayor Jun de Sangun at Mabuhay Deseret Foundation head Bred Jackson para sa pag­papaarkila ng kan­yang mga kabaong sa mga mahihirap na namamatayan.

Ang matandang Andes din ang lumik­ha ng kabaong na pu­wedeng gamitin nang ilang beses.

Ang mga reusable coffin o kabaong na paulit-ulit na nagaga­mit ay idinisenyo para sa mahihirap.

ANDES

ANTONIO ANDES SR.

ASIA PACIFIC UNIVERSITY

BRED JACKSON

KABAONG

MABUHAY DESERET FOUNDATION

MAKATI CITY

MARY ANN ANDES

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with