Paghabol sa smugglers tuloy kahit Undas - PASG

Iginiit kahapon ni Presidential-Anti Smuggling Group chief Undrsecretary Antonio Villar Jr. na kahit All Saints Day at All Souls Day ay tuloy pa rin ang kampanya nila laban sa mga smugglers.

Sinabi ni Usec. Villar, nagpalabas siya ng direktiba sa kanyang mga operatives na lalong paigtingin ang paghabol sa mga smugglers kahit holidays dahil sa ulat na baka samantalahin ng mga ito ang nasabing mga araw upang makapagpalusot ng kanilang mga kargamento.

Batay sa kanilang intelligence report, naghihintay lamang ng tamang oras ang mga smugglers upang maipalusot ang kanilang mga smuggled Christmas goods sa paniniwalang magiging maluwag ang mga PASG operatives sa holidays.

Inalerto ni Villar ang kanyang mga operatiba na mahigpit na bantayan ang mga ports sa ibat ibang lugar sa bansa dahil sa ulat na palulusutin ng mga smugglers ang kanilang mga kargamento ngayong holidays. (Rudy Andal)

Show comments