^

Bansa

PGMA pinuri ni Libanan sa task force vs illegal recruiters

-

Malaking tulong uma­no sa pagsugpo ng illegal recruiters at human traffickers ang binuong task force ni Pangulong Arroyo laban sa illegal recruitment.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Marcelino Libanan, ang nasabing task force ay seryosong hakbang ng pamahalaan para masug­po ang mga illegal na akti­bidad.

Siniguro nitong mas la­ long mapapaigting ang kam­­panya laban sa illegal recruitment bunsod ng pag­buo ng nasabing task force.

Sinabi ni Libanan na walang sasantuhin ang kampanya laban sa illegal recruiters at maging ang mga immigration officers na mapapatunayang ka­sabwat sa ganitong ga­wain ay di palulusutin.

Tiniyak naman ni Li­banan kay Vice-President Noli de Castro ang buong suporta ng ahensya para maprotektahan ang mga overseas workers.

Itutuloy din aniya ng BI ang kanilang kampanya partikular ang pagharang sa mga OFWs na walang karampatang clearance mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Magugunitang sa ipi­nalabas na executive order ng Pangulong Arroyo kamakailan inatasan nito ang task force, na magpa­tupad ng mga pamama­raan laban sa mga modus operandi ng mga illegal recruiters at mga sindi­kato na namemeke ng mga pasaporte at iba pang travel documents.

Si Vice Pres. de Cas­tro ang itinalagang Chairman ng task force habang vice chairman naman si Li­ banan. (Gemma Amargo-Garcia)

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

GEMMA AMARGO-GARCIA

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

SHY

SI VICE PRES

VICE-PRESIDENT NOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with