Sampung Pinay kada araw ang namamatay sa sakit na cervical cancer o kan ser sa matris, ayon sa Department of Health (DOH).
Kasabay nito, nagpahayag ng pagkabahala ang DOH dahil ang cervical cancer ang ikalawa sa may pi nakamataas na cancer deaths sa bansa kaya nangangailangan na aniya ng information awareness sa mga kababaihan hinggil dito.
Isang awareness program ang inilunsad kaha pon ng DOH na may temang “Babae, Mahalaga Ka! Makiisa sa Laban, Magpa-Cervical Cancer Screening Na!”
Ayon sa DOH, ang sakit na kanser sa matris ay maaaring maagapan sa pamamagitan lamang ng regular na pagsasailalim sa screening.
Karaniwan rin umano sa mga babae na maaaring madaling kapitan ng sakit ay ang mga may HPV infection o human papillomavirus; may mahinang immune systems, nagkakaedad ng 40 pataas; naninigarilyo; matagalang paggamit ng birth control pills; at pagkakaroon ng maraming anak. (Doris Franche)