^

Bansa

10 Pinay namamatay kada araw sa cervical cancer

-

Sampung Pinay kada araw ang namamatay sa sakit na cervical cancer o kan­­ ser sa matris, ayon sa De­partment of Health (DOH).

Kasabay nito, nagpaha­yag ng pagkabahala ang DOH dahil ang cervical can­cer ang ikalawa sa may pi­ nakamataas na cancer deaths sa bansa kaya na­ngangailangan na aniya ng information awareness sa mga kababaihan hinggil dito.

Isang awareness program ang inilunsad kaha­ pon ng DOH na may te­mang “Babae, Mahalaga Ka! Makiisa sa Laban, Magpa-Cervical Cancer Screening Na!”

Ayon sa DOH, ang sakit na kanser sa matris ay maaaring maagapan sa pamamagitan lamang ng regular na pagsasailalim sa screening.

Karaniwan rin umano sa mga babae na maaaring madaling kapitan ng sakit ay ang mga may HPV infection o human papillo­mavirus;  may mahinang immune systems, nagkaka­edad ng 40 pa­taas; nanini­garilyo; mata­galang pag­gamit ng birth control pills; at pagkakaroon ng mara­ming anak. (Doris Franche)

AYON

DORIS FRANCHE

ISANG

KARANIWAN

KASABAY

LABAN

MAGPA-CERVICAL CANCER SCREENING NA

MAHALAGA KA

SAMPUNG PINAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with