^

Bansa

P6.9M ng Euro generals barya lang sa P728M ni Jocjoc

- Ni Malou Escudero -

Binira ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang kan­yang mga kasamahan sa Senado dahil tila mas bini­bigyang prayoridad ng mga ito ang imbestigas­ yon sa mga “Euro generals” na sumabit sa P6.9 milyon kaysa sa P728 milyon na kinasabitan ni dating Agriculture under­secretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante.

Ayon kay Escudero, maliwanag na may double standard ang ilang sena­dor sa imbestigasyon ng fertilizer scandal at mga Euro generals gayong kung tutuusin umano ay ‘intact’ pa o hindi naga­galaw ang P6.9M kaysa sa P728 mil­yon na hindi na maaaring habulin ng gob­yerno.

Partikular na tinukoy ni Escudero sina Sen. Ed­gardo Angara at Sen Juan Miguel Zubiri na gustong ipaubaya na lamang sa Om­budsman ang kaso ng fertilizer scam.

Maituturing aniyang barya lamang ang P6.7M sa P728M na pinaniniwa­laang nalustay sa kam­panya noong 2004 presidential elections.

“Hindi ko maintindihan ang ilang kasamahan ko sa senado. Galit na galit, nangngingitngit, nakipag away at binulyawan nila yung Euro generals. Pitong milyon lang naman ang involved dun,’ ani Escudero.

Una nang kinuwesti­yon ni Angara ang warrant of arrest na ginamit ni Senate President Manuel Villar upang mailagay sa kusto­diya ng Senado si Bolante.

vuukle comment

ANGARA

AYON

BINIRA

BOLANTE

CHIZ

GALIT

SEN JUAN MIGUEL ZUBIRI

SENADO

SENATE PRESIDENT MANUEL VILLAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with