Sunflower biscuit wala raw melamine
Tuluyan ng inalis ng pamahalaan ang ban sa pagtitinda at pag-export ng Sunflower Crackers Blueberry Creme Sandwich makaraang mag-negatibo ito sa melamine base na rin sa isinagawang pagsusuri ng Bureau of Food and Drugs (BFAD).
Sa pagsusuri ng BFAD, abswelto o ligtas sa melamine contamination ang may 16 variants o flavor ng Sunflower crackers na kinabibilangan ng blueberry creme sandwich.
Taliwas ang nasabing inilabas na resulta ng BFAD sa naunang deklarasyon ng Hong Kong Center for Food Safety’s (HKCFS) na positibo umano sa nasabing nakalalasong kemikal ang nasabing variant ng Sunflower biscuit.Unang idineklara ng HKCFS na positibo sa melamine ang Sunflower blueberry creme sandwich bunga ng taglay umano nitong 3.2 parts per million ng melamine. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending