Jailguards sabak sa NPA

Inatasan kahapon ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology ang lahat ng jailguards sa buong bansa na maghanda nang makipagsagupa sa mga rebeldeng New People’s Army upang hindi na maulit ang naganap na pagpapatakas ng NOA sa ilang mga “political detainees” sa Quezon Provincial Jail.

Sa kautusan ni BJMP chief Director Rosendo Dial Jr., inaalerto ang mga municipal, city at district jails sa Quezon-Bicol zone at mga ilang lugar sa Timog Pilipinas matapos na mabatid na pinaigting rin ng Communist Party of the Philippines ang “sagip kasama” at “agaw-armas operations”.

Inamin ng BJMP na nasa kanilang kustodiya ang maraming mga “political detainees.” (Danilo Garcia)

Show comments