Nagpasaklolo na rin sa Korte Suprema si retired Philippine National Police Director Eliseo dela Paz upang ipatigil ang imbestigasyon ng Senado sa 105,000 euros na nasabat sa kanya sa Moscow, Russia.
Sa inihaing petition for certiorari and prohibition na isinampa ni dela Paz at ng kanyang asawang si Maria Fe, hiniling rin ng mga ito na pawalang bisa ang kautusan ni Senador Miriam Santiago kay Senate Sgt at Arms Jose Balajadia Jr. na sila ay arestuhin.
Iginiit ni dela Paz na umabuso sa kapangyarihan si Santiago nang ipag-utos ang pag-aresto sa kanila nang hindi dumaan sa pag-sang-ayon ng iba pang miyembro ng Committee on Foreign Relations.
Kinuwestyon rin ni dela Paz ang kapangya rihan ng nasabing komite na dinggin ang nasabing isyu gayong wala umano itong kinalaman sa “foreign relations.” (Gemma Amargo-Garcia)