^

Bansa

Power rate hike pinigil ng ERC; Meralco dismayado

-

Ikinadismaya ng Manila Electric Company ang desisyon ng Energy Re­ gulatory Commission na pansamantalang isan­tabi ang naunang desis­yon nito na nagpapahin­tulot sa una na magtaas ng si­ngil sa kuryente na dapat sanang magsimula sa Nobyembre.

Sinabi ni Meralco Pre­sident Jesus Francisco na ito ang una nilang pag­taas ng singil sa kuryente pag­karaan ng mahigit limang taon.

Sa desisyon ng ERC na inilabas noong Oktu­bre 27, ipinagpaliban nito ang naunang desisyon noong Mayo 29 na nag­takdang galawin ng Me­ralco ang distribution charge na gamit bilang pamantayan ang performance based regulation o PBR.

Binanggit din ni Francisco na matagal na nilang hinintay na gala­win ang distribution charge na noon pang Hunyo 2003 ang huli nilang itinaas.

Samantala, kinon­dena ni Meralco Spokesman Elpi Cuna si National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc. President Pete Ilagan na naunang humiling sa Pasig Regional Trial Court na magpalabas ng hold departure order laban sa mga opisyal ng Meralco.

Sinabi ni Cuna na hindi makatarungan ang pagpa­ pakulong sa mga opisyal ng Meralco kaug­nay ng kasong Estafa na inihain ng Department of Justice.

Iresponsable anya ang pahayag ni Ilagan da­ hil hindi pa napapa­tuna­yang nagkasala ang mga naaakusahang opis­yal ng Meralco. (Edwin Balasa)

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDWIN BALASA

ENERGY RE

JESUS FRANCISCO

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

MERALCO PRE

MERALCO SPOKESMAN ELPI CUNA

NATIONAL ASSOCIATION OF ELECTRICITY CONSUMERS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with