Magsasagawa ng sarili nilang imbestigasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency sa napaulat na paglusob umano ng mga rebeldeng New People’s Army at pagpapatakas ng mga ito sa pitong preso sa Quezon Provincial Jail.
Nakasuot umano ng uniporme ng PDEA ang mga rebelde.
Pero sinabi ni PDEA Director General Dionisio Santiago na malinaw na hindi nila tauhan ang mga nanalakay bukod sa hindi opisyal na uniporme ng ahensya ang suot ng mga rebelde.
Pinuna ni Santiago ang kaluwagan sa naturang bilangguan. (Danilo Garcia)