JDV lumayas, impeachment vs GMA hindi pinirmahan
Nagtungo sa Estados Unidos si Pangasinan Congressman Jose de Venecia nang hindi man lang muna pinirmahan ang impeachment complaint na iniharap ng kanyang anak na ne gosyanteng si Joey III laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ito ang nabatid kahapon kay House minority leader at San Juan Rep. Ronaldo Zamora na nagsabing maaaring pinag-iisipan pa ni de Venecia ang hakbang nito bagaman nauna nitong ipinahayag na ieendorso nito ang impeachment complaint.
“Tama naman na hindi pa siya ikonokonsiderang endorser hanggang hindi pa siya pumipirma. Akala namin pumirma na, hindi pa pala, baka pinag-iisipan pa,” sabi ni Zamora.
Umalis umano ng bansa noong Sabado ng gabi si de Venecia para dumalo sa dalawang linggong speaking engagement sa US. (Delon Porcalla)
- Latest
- Trending