^

Bansa

Human trafficker timbog ng BI sa NAIA

-

Natiklo ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang hinihinalang human trafficker sa NAIA Terminal 2.

Sinabi ni BI Commissioner Marcelino Libanan na naaresto si Janet Java Onida, 29, sa pagtutulu­ngan ng BI at National Bureau of Investigation (NBI). Dumating ang suspect mula Singapore sakay ng PAL flight PR 502 bandang 1:30 ng hapon kahapon.

Ayon kay Libanan, ang pagdating ni Onida ay ipi­nabatid ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Esteban Conejos sa kanyang tang­gapan.

“The DFA has received information that Onida was set to return from Singapore yesterday,” wika ni Libanan.

Agad inutusan ni Liba­nan si BI-NAIA Airport Operations Chief Ferdi­nand Sampol na atasan ang BI Migration Compliance and Monitoring Group na ma­kipag-coordinate sa NBI para sa ikaaresto ni Onida.

Ayon sa isang complainant na isang 20-anyos na babae, kinuha umano siya ni Onida para magtra­baho bilang waitress sa Singa­pore dalawang taon na ang nakararaan. Umalis siya patungong Singapore noong April 2006, ngunit ipinasa bilang prostitute sa kanyang pagdating.

Aniya, ginahasa siya ng ilang dayuhan ngunit na­gawa niyang makatakas at makabalik sa Pilipinas. Agad siyang nagsampa ng kaso laban kay Onida sa Quezon City Regional Trial Court sa kanyang pag­dating. (Butch Quejada)

AFFAIRS ESTEBAN CONEJOS

AIRPORT OPERATIONS CHIEF FERDI

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

FOREIGN AFFAIRS UNDERSECRETARY

JANET JAVA ONIDA

LIBANAN

ONIDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with