^

Bansa

Hindi napapanahon!

-

Ganito tinawag ng isang party list group ang panibagong impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo dahil nadidiskaril nito ang mga pagsisikap ng pamahalaan na masawata ang anumang epekto ng krisis na nararanasan ng mundo.

“There are more pressing and more important things to talk about now, such as the worldwide economic meltdown and its effects in the Philippines,” wika ni Atty. Batas Mauricio, founder at first nominee ng BATAS (Bagong Alyansang Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan) Party List.

Ayon kay Atty. Batas, dapat tutukan ng pamahalaan at ng legislative department ang mas mahalagang bagay sa kasalukuyan, ang pagpapatatag ng ekonomiya sa harap ng napipintong krisis sa mundo.

“Political squabbling is scaring foreign investors because of speculations on the country’s political stability,” ani Atty. Batas.

Maliban kay Atty. Batas, kinondena rin ng local executives mula sa League of Provinces, Cities at Vice Governors of the Philippines (LPP, LCP at VGLP) ang impeachment complaint laban kay Arroyo, sa pagtataguring ito ay nakasisira sa interes ng bansa.

Sinisi naman ng mga negosyante mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry ang oposisyon sa paglikha ng hindi magandang sitwasyong pulitikal sa bansa sa harap ng krisis.

Binanatan naman ng ilang sector ang mga nagsampa ng impeachment na sina Joey de Venecia, Jun Lozada, Harry Roque at Rolex Suplico sa paggamit ng isyu upang maisulong ang kanilang political agenda sa 2010. (Butch Quejada)

vuukle comment

ADHIKAING SAMBAYANAN

BAGONG ALYANSANG TAGAPAGTAGUYOD

BATAS

BATAS MAURICIO

BUTCH QUEJADA

HARRY ROQUE

JUN LOZADA

LEAGUE OF PROVINCES

PANGULONG ARROYO

PARTY LIST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with