Taas sa singil ng Meralco kukuwestiyunin ng DTI

Ang Department of Trade and Industry (DTI) na umano ang mag-aapela hinggil sa de­sisyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) na pagbigyan ang pe­tisyon ng Meralco na maitaas ang singil sa kuryente.

Ito ay matapos na ipa­ ubaya ng Malacañang ang nasabing hakbangin sa DTI.

Matatandaan na batay sa ERC decision, tataas ng 36 percent ang power rate na sisingilin ng Meralco bagama’t may nakabinbin pang refund order sa electric company.

Ayon sa isang pana­yam kay Presidential Management Staff Chief Cerge Remonde, naka­takdang maghain ng motion for reconsideration ang DTI sa ERC para pigilin ang na­sabing power rate adjustment.

Matatandaan na una ng nagbabala ang mga negosyante na maaring maapektuhan ang mga maliliit na negosyo lalo ang kabilang sa Small-Medium Enterprises (SMEs) sa nasabing pagtaas sa si­ngil ng kuryente. (Rose Tesoro/Malou Escudero)

Show comments