^

Bansa

Libreng libingan sa namatay sa ketong

-

Ikinatuwa ng mga residente ng Tala, Caloocan City, lalo na ang mga may Hansen’s disease o ketong, ang ordinansang inaprubahan kamakailan ni Caloocan City Mayor Enrico “Eecom” Echiverri na naglilibre sa mga ito sa pagbabayad ng anumang burial fee.

Inililibre ng Ordinance No. 0446 s. 2008 ang sinu­mang nagkasakit ng ketong sa anumang burial permit fee at upa sa mga lote ng sementeryo o nitso kapag inilibing ito sa Tala Cemetery.

Ayon kay Echiverri, ang Tala Cemetery, na itinuturing na isang public cemetery, ay matatagpuan sa Phase 7-A sa Bagong Silang.

Sinabi pa ng alkalde na pangunahing itinayo ang Tala Cemetery para sa mga namatay na may leprosy.

Ayon naman sa isang leprosy patient na si Toni Mer­cado, 66, “malaking tulong ang ipinasang ordinansa nina Mayor Echiverri at Sangguniang Panlungsod, lalo na sa pamilya ng mga may sakit na namatay at sa mga dating pasyenteng walang pampalibing.”

Si Mercado ay kabilang sa tinatayang 3,000 may ketong na nagalak sa naturang ordinansa. Silang lahat ay nakatira sa loob ng Dr. Jose Rodriguez Memorial Medical Hospital and Sanitarium (JNRMHS) o ang dating Tala Leprosarium.

Kaugnay nito, sinabi ni Echiverri na kailangan mu­nang kumuha ng sertipikasyon mula sa JNRMHS ang sinumang aplikante upang patunayan na nagkasakit nga ito ng ketong. (Lordeth Bonilla)

AYON

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

DR. JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL HOSPITAL AND SANITARIUM

ECHIVERRI

LORDETH BONILLA

MAYOR ECHIVERRI

TALA CEMETERY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with