GMA buo pa rin ang tiwala kina Puno, Verzosa
Buo pa rin ang pagtitiwala ni Pangulong Arroyo kina DILG Secretary Ronaldo Puno at PNP chief Jesus Verzosa kaugnay ng kontrobersya sa “Euro generals”.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesman Anthony Golez sa media briefing sa Malacanang, hindi dapat agad husgahan ang mga opisyal ng DILG at PNP bagkus ay pabayaan munang umandar ang isinasagawang imbestigasyon.
“Ang importante ay malaman ang katotohanan. We can’t just hasten our judement, Madami pang tanong ang hindi pa nasasagot. Ang importante, we have to be comprehensive while at the same time circumspect with the facts coming in and the explanation that are being stated,” paliwanag pa ni Golez.
Idinagdag pa ni Golez, ipinauubaya na ng Malacañang sa DILG at PNP ang magiging aksyon kung nais nitong padaluhin si retired PNP comptroller Eliseo dela Paz sa imbestigasyon ng Kongreso kaugnay sa pagkakahuli dito sa Moscow na may dalang 105,000 euro (P6.9M) na hindi niya naideklara.
Siniguro naman ni Golez na ang sinumang mapapatunayang nagkaroon ng paglabag sa batas lalo sa mga presidential orders ay mapaparusahan sa ilalim ng umiiral na batas. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending