Palasyo wala ng paki kay Bolante

Iginiit kahapon ng Malacanang na hindi ito maki­kialam sa haharaping kaso ni dating Agriculture Under­secretary Jocelyn “Joc joc” Bolante kaugnay sa kontro­bersyal na fertilizer fund scam.

Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita, si Bolante na lamang ang haharap sa mga reklamo laban sa kanya dahil isa na itong pribadong mamamayan at hindi na opisyal ng pamahalaan.

Wika pa ni Sec. Ermita, walang maaasahang tulong si Bolante mula sa Malacanang dahil hindi na naman ito konektado sa gobyerno.

Ginawa ni Ermita ang pahayag kaugnay sa nakatak­dang pag-uwi ni Bolante anumang araw sa buwang ito matapos hindi payagan ng US Court ang kanyang pananatili sa Estados Unidos para sa “exile”. (Rudy Andal)

Show comments