Palasyo wala ng paki kay Bolante
Iginiit kahapon ng Malacanang na hindi ito makikialam sa haharaping kaso ni dating Agriculture Undersecretary Jocelyn “Joc joc” Bolante kaugnay sa kontrobersyal na fertilizer fund scam.
Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita, si Bolante na lamang ang haharap sa mga reklamo laban sa kanya dahil isa na itong pribadong mamamayan at hindi na opisyal ng pamahalaan.
Wika pa ni Sec. Ermita, walang maaasahang tulong si Bolante mula sa Malacanang dahil hindi na naman ito konektado sa gobyerno.
Ginawa ni Ermita ang pahayag kaugnay sa nakatakdang pag-uwi ni Bolante anumang araw sa buwang ito matapos hindi payagan ng US Court ang kanyang pananatili sa Estados Unidos para sa “exile”. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending