^

Bansa

Senado di sinipot, Dela Paz pinaaresto ni Miriam

- Ni Malou Escudero -

Ipinag-utos kahapon ni Sen. Miriam Defensor-San­tiago ang pag-aresto kay dating Philippine National Police comptroller Eliseo dela Paz dahil sa ka­biguan nitong dumalo sa pagdinig kahapon ng ko­mite ng se­nadora kaug­nay sa P6.9 milyon na di­nala nito sa Moscow, Russia.

Hindi naman idinamay ni Santiago sa mga ipa­paaresto ang misis ni dela Paz dahil baka umano ma­apektuhan ang pamilya niya.

“Wag na lang (ipa­aresto ang asawa) dahil baka maapektuhan ang pamilya. Ang tatay wala tayong magagawa dahil yun ang sinasabi ng batas, pero kung nanay baka pati anak ay apektado kaya pina­bayaan ko na lang although actually in theory we can order her arrest,” sabi ni Santiago, chairman ng Foreign Relations Committee.

Kaagad namang pu­ma­lag ang kampo ni dela Paz sa warrant of arrest at dadalhin umano ang usa­pin sa Korte Suprema.

Tanging ang abogado lamang ni dela Paz na si Atty. Noel Malaya ang sumi­pot sa Senado. 

Naniniwala si Malaya na walang huris­diksyon ang komite ni San­tiago sa kanyang kliyente dahil wala naman uma­nong naganap na ‘government to government’ transaction sa isyu ng pondong dinala ng PNP sa Russia.

Ang PNP anya ang nakakasakop sa pagkaka­dawit ni dela Paz sa Russia at naipaliwanag naman umano na ‘standby fund’ ang nasabing salapi.

Warrant ‘di pinirmahan ni Pia

Gayunman, sa kabila nang kautusan ni Santiago ay hindi kaagad maaring arestuhin si dela Paz dahil hindi pa nilalagdaan ni Sen. Pia Cayetano, OIC ng Senado, ang arrest warrant.

Sa isang panayam, sinabi ni Cayetano na hi­hin­tayin pa niya ang sagot ng mga legal experts ng Se­nado at desisyon ni Senate President Manuel Villar Jr. na kasalukuyan pang nasa ibang bansa.

“No I haven’t yet. I’m actually the OIC now, so in relation to the Senate President, delegated lang ang authority ko. I think he’s still in Europe, so there’s a time difference. I just need to clear this matter with the Senate President first for his final go-signal,” sabi ni Cayetano.

Pero nilinaw ni Caye­tano na sinusuportahan nila si Santiago sa kan­yang layunin na malina­wan ang sinasabing P6.9 M na ‘cash advance’ ng PNP patungong Moscow.

May legal procedure aniyang sinusunod bago makapagpalabas ng arrest warrant dahil dapat ring siguraduhin na hindi nala­labag ang karapatang pan­tao ng isang tao.

Kailangan aniyang majority na komite ay naka­pirma bago mapa­rusahan ng “contempt” ang isang taong inimbitahan pero hindi sumipot sa pagdinig.

Dahil dito, hindi pa si­gurado kung kailan ma­ipapalabas ang warrant of arrest ni dela Paz. 

CAYETANO

DAHIL

DELA

FOREIGN RELATIONS COMMITTEE

KORTE SUPREMA

MIRIAM DEFENSOR-SAN

NO I

PAZ

SENATE PRESIDENT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with