P100B rescue fund ok kay GMA
Pinaboran ni Pangulong Arroyo ang pagkakaroon ng P100 bilyong private-public fund na gagamitin sa pagharap sakaling magkaroon ng recession sa US economy.
Ayon sa Pangulo sa kanyang pagdalo sa 34th Philippine Business Conference sa Manila Hotel, ang hakbang na ito ay para sa pagharap sa krisis tulad ng agresibong programa para sa agrikultura, monitoring sa job order sa ibang bansa at pagpapalawig sa private financing.Ang pondo ay paghahatian ng government financial institutions at business sector.
Ipinagmalaki din ng Pangulo ang inilaang P260 milyon para sa livelihood projects sa mamamayan.
Nauna rito, inirekomen da ng mga negosyante kay PGMA ang paglalagay ng standby fund sa halip na bailout package tulad ng ginawa ng US government para protektahan ang ekonomiya ng bansa sa nararanasang global financial crisis.
Sinabi naman ng mga negosyante na walang masama sa paglalagay ng standby fund kahit hindi pa tayo apektado ng global financial crisis.
- Latest
- Trending