De la Paz binigyan lang ng 30 araw
Bibigyan ng 30 araw ng Philippine National Police ang dating Comptroller nito na si ret. Director Eliseo de la Paz para isumite ang liquidation report hinggil sa naging gastusin ng PNP delegation sa ika -77th International Police Conference sa Russia.
Ito’y sa kabila ng pasalubong na imbestigasyon ng Senado kaugnay ng P6.9 M Euro generals scandal sa Russia na kinasangkutan ni de la Paz.
Si de la Paz ay pinigil ng Russian authorities sa Moscow airport noong Oktubre 11 matapos na mahuli sa bagahe nito ang 105,000 Euros o katumbas na P6.9 M.
Nakatakdang dumating sa bansa si de la Paz ngayong Martes.
Malaki ang hinala ni Senador Panfilo Lacson na ‘pabaon’ ng mga suppliers ng PNP ang nasa P7 milyong nakuha kay Dela Paz.
Ayon kay Lacson, malabo na contingency fund ang perang nakuha sa mga “Euro Generals.” (Joy Cantos at Rudy Andal)
- Latest
- Trending