Dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan, nagpahayag ang isang kompanya ng langis na magkakaroon pa ng panibagong rollback sa presyo nito sa mga susunod na araw.
Ayon kay Shell President at Chairman Edgar Chua, posibleng ipatupad ang panibagong rollback ng kanilang kompanya sa darating na Huwebes o Biyernes.
Dahil sa pahayag ng Shell, inaasahan na susunod din na magsasagawa ng rollback ang iba pang kompanya ng langis.
Naunang hiniling kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga oil companies na magbaba ng kanilang mga presyo.
Pinasalamatan ni Pangulong Arroyo sa kanyang mensahe sa TODA-Bigay program ng Department of Energy si Chua sa susunod pang mga rollback na gagawin ng nasabing oil company. (Edwin Balasa at Rudy Andal)