18 de lata nega sa melamine: Hamon tetestingin din
Takda na ring testingin ng Bureau of Food and Drugs ang mga hamon at iba pang kar ne na karaniwang inihahanda sa kapaskuhan.
Ito ang nabatid kahapon kay BFAD Director Leticia Gutierrez makaraang ihayag ng ahensya at ng Department of Health na negatibo o walang nakakalasong melamine ang ineksamen nilang 18 de latang karne o pagkain.
Gayunman, nilinaw ni Gutierrez na regular nilang ginagawa taon-taon o tuwing nalalapit ang kapaskuhan ang pagsusuri sa mga pagkain lalo na yaong nagmumula sa ibang bansa.
Kabilang sa mga canned meat products na walang melamine ang Argentina Corned Beef Chunky; Chang Long Pork Luncheon Meat; Greatwall Brand Premium Ham Luncheon Meat;Gulong (China Well-Known Mark) Pork Luncheon Meat; Liberty Pork Luncheon Meat; Maling Canned Pork Luncheon Meat; Maling Chunky Corned Beef; Maling Pork Luncheon Meat; Maling Pork Luncheon Meat; Maling Vienna Sausage; Narcissus Brand Pork Mince with Bean Paste; Narcissus Brand Premium Luncheon Meat; Narcissus Brand Spiced Pork Cubes; Narcissus Brand Stewed Pork; Purefoods Chinese Style Luncheon Meat; Purefoods Corned Beef; at Shanghai Brand Chinese Luncheon Meat. (Gemma Amargo-Garcia at Rose Tesoro)
- Latest
- Trending