JDV maiipit sa ikinasang impeachment vs GMA

May malaking pro­blema si dating House Speaker Jose de Ve­necia kung bakit hindi niya ma-endorso ang impeachment complaint laban kay Pa­ngulong Arroyo dahil sa kontrobersiyal na isyu ng overpricing ng Northrail project na sinasabing may kina­laman ang una.

Sinabi ni Maguin­danao Rep. Didagen Dilangalen na baka maipit ang matandang de Venecia sa kasong isinampa ng anak ni­ tong si Joey sa Ka­mara.

Ayon kay Dilanga­len, mahihirapan silang ibaon si Pangulong Arroyo sa impeachment complaint dahil luma aniya ang mga aku­sasyon nila laban sa una.

Pero umaasa si Dilangalen na idadaan sa tamang proseso ang reklamo sa Pa­ngulo at hindi dapat itong ibasura. (Butch Quejada)

Show comments