Tulong sa Simbahan handing isoli ng obispo dahil sa RH bill
Nanindigan si Legazpi Bishop Lucilo Quiambao na handa silang isoli ang anumang tulong pinansiyal na ibinibigay sa Simbahan kung hihilingin sa kanila na magbago ng posisyon sa usapin ng panukalang Reproductive Health Bill na isinusulong sa Kongreo.
Ito’y matapos ipangalandakan umano ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman na ang kaniyang hinahawakang appropriation committee ay tumutulong sa simbahan.
Aniya, hindi maaring ikompromiso nila ang paninindigan at paniniwala sa masamang idudulot ng RH bill sa suportang ibinibigay ng simbahan.
Kaugnay ng RH bill, iginiit ni Bishop Teodoro Bacani na hindi pa naman huli para mabago ang pagtingin ng publiko sa RH bill kaugnay sa resulta ng survey na 68 porsyento ang pabor na maisabatas ang nasabing panukala.
Kinakailangan lamang umano na maintindihan at mabasa ng publiko ang nilalaman ng nasabing panukala upang makita na ang contraception na nais ipalaganap ay maituturing na aborsiyon.
Maaring ang mga na-survey umano ay nakarinig lamang sa mga panghihimok ng ilan na kaila ngan ang pagpasa ng RH bill. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending