US troops 'pumasok' sa teritoryo ni Bravo
Pinasok ng tropa ng mga sundalong Amerikano ang teritoryo ng wanted na si Moro Islamic Liberation Front (MILF) Commander Abdulrahman Macapaar alyas Bravo sa Poona Piagapo, Lanao del Norte.
Pero hindi para maki-giyera kundi para magsagawa ng humanitarian mission sa naturang bayan,
“The presence of the Americans is part of the Visiting Forces Agreement (VFA) and in pursuit of their national interest of extending humanitarian aid to promote security,” paglilinaw ni Army’s 104th Infantry Brigade Commander Col. Benito de Leon.
Ang Poona Piagapo ay isa sa mga balwarte ni Bravo.
Nitong Biyernes ay nakipagpulong ang US troops sa pamumuno ni Army Capt. Christian Knutzen sa mga lokal na opisyal ng Lanao del Norte sa bayan ng Tubod na pinangunahan ng gobernador nito na si Mohammad Khalid Dimaporo kaugnay sa medical at dental mission at mga proyektong isasagawa ng mga ito gaya ng mga kalsada, gusali ng mga eskuwelahan para sa kapakinabangan ng mga residente sa lugar. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending