Triple sa itinakdang pondo para sa delegasyon ng Philippine National Police na dumalo sa ika -77 Inter pol General Assembly sa Russia ang cash advance na ipinadala sa grupo.
Base sa dokumento sa NAPOLCOM kung saan ang inaprubahan ay mahigit lamang sa P2.314 M para sa travel expenses ng 8-man team na pinamunuan ni PNP Deputy Chief for Administration Deputy Director Gen. Emmanuel Carta.
Katumbas ito ng tig-P283,512 sa bawat delegado subali’t ang nahuli sa dalang bagahe ni dating PNP Comptroller ret. Eliseo de la Paz ay 105,000 Euros o katumbas na P6.930 M.
Batay sa breakdown ng budget para sa isang miyembro ng contingent, P139,620 ay para sa pasahe, P1,500 pre-departure allowance, P128,892 allowance sa loob ng anim na araw at P13,500 sa visa at insurance application fees.
Una nang inamin ng PNP na P6.930M ang cash advance na bitbit ng delegasyon bilang contigency fund. (Joy Cantos/Lordeth Bonilla)