^

Bansa

Dalang milyones ng PNP sa Russia triple

-

Triple sa itinakdang pondo para sa delegasyon ng Philippine National Police na dumalo sa ika -77 Inter­ pol General Assembly sa Russia ang cash advance na ipinadala sa grupo.

Base sa dokumento sa NAPOL­COM kung saan ang inaprubahan ay ma­higit lamang sa P2.314 M para sa travel expenses ng 8-man team na pinamu­nuan ni PNP Deputy Chief for Administration Deputy Director Gen. Emmanuel Carta.

Katumbas ito ng tig-P283,512 sa bawat dele­gado subali’t ang nahuli sa dalang bagahe ni dating PNP Comptroller ret. Eli­seo de la Paz ay 105,000 Euros o katumbas na P6.930 M.

Batay sa breakdown ng budget para sa isang mi­yembro ng contingent, P139,620 ay para sa pa­sahe, P1,500 pre-departure allowance, P128,892 allowance sa loob ng anim na araw at P13,500 sa visa at insurance application fees.

Una nang inamin ng PNP na P6.930M ang cash advance na bitbit ng dele­gasyon bilang contigency fund. (Joy Cantos/Lordeth Bonilla) 

ADMINISTRATION DEPUTY DIRECTOR GEN

BATAY

DEPUTY CHIEF

EMMANUEL CARTA

GENERAL ASSEMBLY

JOY CANTOS

KATUMBAS

LORDETH BONILLA

PAZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with