^

Bansa

Bank depositors dapat doble ang insurance - Chiz

-

Isinulong kahapon ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang Senate Bill 2678 na naglalayong madoble ang maximum deposit insurance coverage sa bawat depositor ng bangko.

Layunin ng panukala ni Escudero na maprotektahan ang mga depositors at lalong tumatag ang paniniwala ng mga ito sa banking system ng bansa.

Nakapaloob sa panukala ni Escudero na mula sa kasalukuyang P250,000 na maximum deposit insurance coverage, nais niya itong gawing P500,000.

Kung ganap na magiging batas, aamiyendahan ng panukala ang charter ng the Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).

Dahil aniya sa nararanasang krisis, marami ang nawawalan ng tiwala sa banking system ng bansa kaya dapat palakasin pa ang pundasyon ng banking system ng bansa.Bagaman at hindi pa naman aniya kinaka­ilangan ng bansa ang tinatawag na ‘bailout package’ pero kung maipapasa ang kanyang panukala, mas mag­kakaroon ng stability sa banking sector.

Masasakop ng panukala sa sandaling maging batas ang 97.2 porsiyento ng lahat ng deposit accounts sa mga bangko sa Pilipinas. (Malou Escudero) 

BAGAMAN

CHIZ

DAHIL

ISINULONG

LAYUNIN

MALOU ESCUDERO

MASASAKOP

NAKAPALOOB

PHILIPPINE DEPOSIT INSURANCE CORPORATION

SENATE BILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with