^

Bansa

Puno igigisa ng Senado

-

Kung kaliwa’t kanang imbestigasyon ang kaka­harapin ni retired General Eliseo dela Paz, dating comp­troller ng PNP sa pagbabalik nito sa bansa, halos ganito rin ang magi­ging kapalaran ni Department of Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno na balak igisa ni Sen. Panfilo Lac­son sa pagbabalik nito sa Se­ nado sa pagdinig ng budget ng DILG para sa 2009.

Nangangamba si Lac­son, dating hepe ng Philippine National Police na pagmumulan ng demo­ra­lisasyon sa hanay ng ka­pulisan ang kinasang­kutang iskandalo ni dela Paz na pagpapasok ng halos P7 milyon sa Russia na sinagip naman ni Puno at sinasabing contingency fund ng PNP ang dala ng retiradong heneral.

Ayon kay Lacson, hihingan niya ng paliwanag si Puno at dapat nitong tu­kuyin kung saan nagmula ang nasabing P6.9 milyon.

“Dapat ipaliwanag nila kasi ang pagka-alam ko talaga nagtanong na rin ako walang ganung item kaya mahihirapan sila mag-clear sa COA, dito assuming na nagalaw nila yung portion nung sinasa­bing contingency fund hindi nila kayang i-liquidate yun kasi there is no such thing,” sabi ni Lacson. 

Ayon pa sa senador, dapat ding ipaliwanag kung bakit pinayagang magbi­yahe si dela Paz palabas ng bansa gayong aabutan na ito ng retirement.

Ipinaliwanag ni Lacson na hindi na pinapayagan pang makapagbiyahe sa labas ng bansa ang sinu­mang opisyal na malapit nang mag-retiro o maa­abutan ng retirement sa labas ng Pilipinas.

Kung wala na umano sa serbisyo ang isang opisyal, hindi na ito dapat isinasama sa delegasyon.

Pero agad ding nilinaw ni Lacson na wala namang masama kung isama ng isang heneral o opisyal ang kanyang maybahay o kabiyak subalit kailangan aniyang hindi kargo ng PNP o gobyerno ang gastusin nito. (Malou Escudero)

AYON

GENERAL ELISEO

LACSON

MALOU ESCUDERO

PANFILO LAC

PAZ

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with