5 de-lata ng China sinusuri na kung may melamine
Inihayag na kahapon ng National Meat Inspection Services (NMIS) ang mga brand ng meat products na kanilang sinusuri dahil sa hinalang kontaminado ito ng kemikal na melamine.
Ayon kay NMIS executive director Jane Bacayo, ang mga sinusuring de lata ay kinabibilangan ng Ma Ling Luncheon Meat, Ma Ling vienna sausage, Gulong Pork Luncheon Meat, Great Wall corned beef at isa pang brand na tinatawag na Narcissus.
Ayon na rin sa NMIS na ang lahat umano ng naturang produkto ay inangkat sa China na hinihinalang kontaminado ng nakalalasong kemikal.
Inaasahan umanong bukas o sa Huwebes ay mailalabas na ang resulta nito. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending