Inatasan ni Pangulong Arroyo ang Philippine Retirement Authority (PRA) at Department of Foreign Affairs (DFA) na pag-ibayuhin ang programa upang mahikayat ang mga Filipino expatriates na gugulin ang kanilang retirement days sa Pilipinas.
“There is no place like home, particularly for our kababayans who have worked and spent the best years of their life in a foreign land. I want the PRA to spread the good news that there are ideal retirement communities and other incentives for a rich, fulfilling life awaiting them in the Philippines after retirement,” sabi ni Pangulong Arroyo.
Nagsagawa ng tour sa mga Filipino communities sa Canada si PRA chairman Edgar Aglipay upang ipabatid sa mga Pinoy ang mga magagandang retirement destination sa Pilipinas gayundin ang mga incentives na ibibigay ng gobyerno sa kanila.
Nagsagawa ng information session ang PRA na ginanap sa Tahanang Rizal, official residence ng Philippine Ambassador sa Canada, kung saan ay dinaluhan ito ng mga Filipino communities mula sa Ottawa, Montreal at Kingston upang ipaalam sa kanila ang nakahandang retirement destinations para sa kanila.
Sa nasabing briefing, hinikayat ni Philippine Ambassador to Canada Jose Brillantes ang mga Pinoy at Canadians na piliing manirahan sa Pilipinas sa kanilang retirement dahil sa magagandang package na naghihintay sa kanila. (Rudy Andal)