Napigilan ng Presidential Anti-Smuggling Group ang tangkang palusot ng isang dummy ng oil firm na mailabas ang kanilang mga grounded petroleum products mula sa Mariveles, Bataan.
Personal na pinangasiwaan ni PASG Chief Antonio Villar Jr. ang operasyon laban sa Unioil Petroleum products Inc. na pinaghihinalaang dummy ng Oilink Inc. na kabilang sa mga oil firms na kinasuhan ng PASG dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis sa pamamagitan ng technical smuggling.
Dahil sa isinampang kaso ng PASG, grounded ang lahat ng transaksyon ng Oilink sa Mariveles Port hanggang hindi nito nababayaran ng milyong pagkakautang sa tax ang gob yerno.
Sinabi ni Villar na natuklasan nilang ginamit na dummy ng Oilink ang Unioil upang mailabas nito ang kanilang kargamento sa Mariveles Port.
Napag-alaman ng PASG na tinulungan ng mga kasabwat na Customs officials ang Oilink upang magkaroon ng koneksyon sa Unioil upang magamit ito para mailabas ang kanilang mga naipit na petroleum products sa Port of Mari veles. (Rudy Andal)