^

Bansa

Palusot ng dummy firm nasawata

-

Napigilan ng Presidential Anti-Smuggling Group ang tangkang pa­lu­sot ng isang dum­my ng oil firm na maila­bas ang ka­nilang mga grounded petroleum products mula sa Mari­veles, Bataan.

Personal na pina­nga­siwaan ni PASG Chief Antonio Villar Jr. ang ope­rasyon laban sa Unioil Petroleum products Inc. na pinaghi­hi­nalaang dummy ng Oilink Inc. na kabilang sa mga oil firms na kina­su­han ng PASG dahil sa hindi pagbabayad ng ta­mang buwis sa pama­ma­gitan ng technical smuggling.

Dahil sa isinampang kaso ng PASG, grounded ang lahat ng transaksyon ng Oilink sa Mariveles Port hanggang hindi nito naba­bayaran ng milyong pagka­­kautang sa tax ang gob­ yerno.

Sinabi ni Villar na natuk­lasan nilang gina­mit na dummy ng Oilink ang Unioil upang maila­bas nito ang kanilang kargamento sa Marive­les Port.

Napag-alaman ng PASG na tinulungan ng mga kasabwat na Customs officials ang Oilink upang magkaroon ng koneksyon sa Unioil upang magamit ito para mailabas ang kanilang mga naipit na petroleum products sa Port of Mari­ veles. (Rudy Andal)

CHIEF ANTONIO VILLAR JR.

MARIVELES PORT

OILINK

OILINK INC

PORT OF MARI

RUDY ANDAL

SHY

SMUGGLING GROUP

UNIOIL

UNIOIL PETROLEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with